Monday, July 20, 2009

ASTIG (2009)


Sa totoo lang, dapat nakita na ito nang lahat sa mula't mula pa lang: ito ay produksyon ni Boy Abunda. Hindi naman sa ibig sabihin nito'y kagyat nang masama ang kalalabasan, may mga bagay lang talaga na hindi makababalikwas sa kung ano ang inaasahan.

Halos mapuno ang Abelardo Theater ng CCP nuong Sabado ng gabi, at hindi maikakaila ang pananabik ng audience: unang showing ng pelikulang Astig, isa sa mga pelikulang lumalaban sa Cinemalaya Film Festival 2009. Mula sa panulat ni Jerry B, Gracio, isang premyadong makata at manunulat ng script, ang Astig ay isang pagtuklas sa mas madidilim at nakasusulasok na sulok ng Maynila. Gamit ang mga pangunahing kalye nito - Claro M. Recto, Escolta, Oroquieta at...nakalimutan ko na ang isa - bilang mohon sa pagsisiwalat ng apat na kwento ng buhay sa siyudad, pilit ipinapakita sa atin ng pelikula na ang Maynila ay malupit, walang awa at hindi para sa mga mahihina. Para lamang sa mga astig, kumbaga.

Kaya masasabi na rin na hindi kataka-taka ang interes ng mga taong manonood. Bago ang pelikulang ito, nasa screening ako ng Sanglaan at Ang Panggagahasa kay Fe, pawang mga competition films din sa nasabing festival; mga screening na bahagya nang napangalahati ang sinehan (at Little Theater pa ito). Ang mga pelikulang gaya ng Astig kasi ang mas likas na lumilikha ng malakas na buzz, na isang kataka-takang penomenon din kung tutuusin. Dahil ba nasa Maynila tayo at napaka-immediate ng milieu na ipino-project sa telon? Dahil ba nakakadama tayo ng moral outrage kapag napapaalala sa atin ang mga social injustices na nangyayari sa harap natin araw-araw pero hindi napapansin hangga't hindi naka-magnify sa malaking entablado ng CCP, habang nakaupo tayo sa malambot na upuan at nababalot ng aircon (at ang moral outrage ay marahil dala hanggang sa usapan tungkol sa pelikula habang humihigop ng caramel macchiato sa Starbucks sa Harbour Square pagkatapos ng screening)? O dahil ba ito sa perverse curiosity na masilip kung ano ang buhay ng isang Squalor Survivor (ang supposedly pamagat sa Ingles ng pelikula) at marahan nating tapikin ang ating mga sarili sa likod for a job well done; we've all managed to avoid living like that.

But I digress. Ito ay usapin para sa ibang artikulo. Isa pa, sa aking pagtatataya, mas marami pa ring nanonood nung Sabado na iyon kasi gusto nilang makita si Dennis Trillo.

Masaya ako na lumabas ang Astig kasi ngayon mas malinaw na kung ano ang dapat gawing halimbawa kapag pinag-uusapan ang poverty porn. It's as if this film was intentionally made solely for that purpose. Nakatatawang isipin na nababansagan ang Tribu, mga pelikula nina Lino Brocka, Dante Mendoza, mga scripts ni Armando Lao at mga pelikula ni Jeffrey Jeturian na poverty porn gayong napahirap usigin ng artistic integrity at social awareness ng kanilang mga gawa. Sa kabilang banda, nariyan ang mga direktor na gaya nitong isang GB Sampedro, who must have taken his cue from the Star Cinema/Maalaala Mo Kaya school of depicting proverty on screen, and ran with it. Lahat ng mga insights tungkol sa kahirapan sa siyudad, exploitation, at sexual relations ay rote at parang naka auto-pilot. Ang mga mahihirap ay api, ang mga babae ay either virginal or prostitute, ang mga bakla ay sexual predators at basically, the devil incarnate, at ang mga lalaki ay biktima ng matatalas na kuko ng Maynilang maliwanag.

Kung ako si Brocka, babangon ako at dudurugin ko ang pelikulang ito.

Promising sana ang simula: si Dennis Trillo ay si Cris, pero Ariel talaga ang tunay na pangalan, na gumagawa ng mga pekeng diploma sa Recto at maaasahan din sa term paper mo, kung ang term paper mo ay tungkol sa wind currents. Pero meron pa siyang isang raket: rent boy sa mga babaeng buhaghag ang buhok, saksakan ng itim, grossly obese, at ni Glaiza de Castro (na handang iprenda ang pang-enroll, mabilhan lamang siya ng cellphone). Pero iba si Glaiza de Castro eh; una si Glaiza de Castro siya, pangalawa hindi siya grossly obese, saksakan ng itim at hindi rin buhaghag ang buhok, kaya dahil top-billing siya, asahan mo na iba siya. May feelings involved, at least on Glaiza's part (Baka malito kayo, hindi si Glaiza de Castro mismo ang ginaganapan dito ni Glaiza de Castro na mala Being John Malkovich, you wish. Siya si Elgine, kolehiyalang virgin na sa di malamang dahilan ay bigla na lang sumasama sa mga preskong tambay sa computer shop na kagaya ni Cris/Ariel, at pumapayag na maipasok sa motel). Dito nagkakaraon ng kahit kaunting ambiguity; manggagamit ba si Cris/Ariel ng mga babaeng naikakama niya, o sa kabila ng pagiging lalaki niya (na automatic privilege sa isang patriarchal na lipunan) siya ba ang nagagamit ng mga babaeng nabanggit? Ang duality rin ng kanyang pagkatao ay sinasalamin ng pamemeke niya ng mga opsiyal na dokumento. Ang pamemeke ba ay krimen, o isang akto ng subersyon para balikwasin ang naghaharing uri sa lipunan? Kaso walang panahon ang pelikula na i problematize ito dahil kailangan pa ni Cris/Ariel magkatulo, makipagsapakan kay Paolo Rivero na nagpagawa ng diploma, makipagsapakan kay Sid Lucero sa underpass ng Quiapo, at hello, this is only the first story in a projected tetralogy kaya bilis, ipadakip na yang si Cris/Ariel, hayaan mo siyang mabulok sa bilangguan sa mga panggagatsong nagawa niya (na kokontrahin ng pelikula dahil sa dulo, makakadalaw pa siya sa libing ng isa sa mga characters, so ibig sabihin di naman pala siya talaga nakulong) at nang matapos na ang bahagi na ito at maka move on na tayo sa kuwento ni Boy ng Oroquieta.

Si Boy naman (Edgar Allan Guzman), simple lang ang drama: manganganak ang asawa, walang pera kaya hayun, napilitang mag service boy sa matandang bakla. 20-30 minutes of film (oo nga, digital naman, pero kahit na) were wasted on a succession of events na kayang ipakita in less than a minute. Hindi bale sana kung may bago, o malalim na paggunam-gunam sa implications ng mga pangyayari sa buhay ng karakter, o sa buhay sa siyudad in general, pero wala. Muling napatibay ang naghahari nang paniniwala na ang mga bakla ay sex-starved at gagamitin ang kanilang financial leverage over the less fortunate and saintly boys for hire (si Edgar Allan Guzman ang pinaka maamong mukhang batang kalye sa Oroquieta na mapupudpod ang paa mo kung hahanapin mo sa mga kalsada ng Maynila sa tunay na buhay pero hindi mo makikita). Aside lang, before this screening, napanood ko rin ang Tubog sa Ginto, a landmark LGBT film that I was looking forward to for a long time. It may have been ground-breaking for its time, but it's gender politics were so painfully dated, na sa kabila ng camp pleasures nito at amazing performances, it was a wee bit of a letdown. Pero at least ang Tubog sa Ginto lumabas almost forty years ago, ano ang excuse ng Astig?

Kung sabagay, ang bakla sa nasabing bahagi ng pelikula ay matanda, marginalized din, at tambay ng mga sinehang nagpapalabas ng pito-pito at bold na pelikula sa Quiapo kaya mapapangatwiranang it's a portrayal of a very specific character in a very specific environment. But what to make of Gardo Versoza's gay real estate buyer sa Escolta part ng pelikula? Sa ikatlong bahagi ng Astig makikilala natin si Arnold Reyes (who I must say, is the strongest of the four leads), isang part Chinese, part Chavacano, part Bench underwear model na nagtatangkang ibenta ang property ng amang Intsik sa Escolta. Conflicted siya, kasi dahil hindi itinuring na legitimate son, ang property na lang ang nagsisilbing ugnayan nila ng amang hindi nakapiling sa paglaki. Pero kailangan itong ibenta dahil...bakit nga ba? Hindi sinabi. Hindi naman mukhang kailangan na kailangan niya ng pera. Siguro dahil napalibutan na ng squatters ang Escolta, na dahilan na rin kung bakit napahirap nitong ibenta.

Ang ending, binili ito ni Gardo Versoza, pero hindi bago matikman si Arnold Reyes sa kama. This is the most mind-boggling part of the movie, and I guess the dealbreaker for me. Why would somebody like Arnold Reyes be coerced to engage in a sexual quid pro quo set-up? Hindi naman siya mukhang naghihikahos like Boy. Hindi rin naman siya in a hurry na maidispatsa ang property kasi nga di ba, may sentimental value ito. He simply didn't have any reason to be astig, kaya hayun, lahat na ng uri ng contrivance na maiisip ng scriptwriter para gawin siyang biktima ay isinaksak dito. Isa pa, kung ang itsura mo ay mala Gardo Versoza, at mayaman ka to the point na bumibili ka ng real estate property ng cash, magtitiyaga ka bang gawing eksena sa Dangerious Liaisons ang isang simpleng pagbili lang naman ng lupa? A probinsyano would be too small time. Hindi ba mga Nipo-Brasilero models at mga tambay sa Cafe Havana sa Greenbelt ang hahabulin mo? At. May pambayad ka ng lote ng cash pero ni wala kang pambayad sa hotel at kailangan talaga sa abandoned building na marumi kayo magyarian? Ganito ba kahayok ang mga bakla sa sex? Mind, na bakla ang producer at manunulat (as far as I know) ng pelikulang ito kaya nakakapagtaka na nakalulusot ang mga ganitong representasyon. Aaminin ko, I couldn't wrap my brain around anything that comes after that anymore kasi I was so offended at how the movie was insulting to the intelligence kaya hindi ko na inintindi ko bakit nandun si Keanna Reeves, or kung bakit may career pa siya in the first place (talk about insulting the intelligence of the audience), o kung bakit naglalakad si Arnold Reyes sa kalsada ng naka-brief, o kung ano ang ginagawa ni Sid Lucero sa pelikula. I mean, his whole part came and went with very little fuss. Lucero was his usual competent self, his story is as contrived and as cliche as the first three and again, it unspooled with very little cinematic payoff.

That's the whole thing, I think, a full two hours of my life were spent staring at a screen and a collection of images that had no business calling itself a film. Mayroon tayong napakahabang tradisyon ng sineng mulat sa mga mapapait na katotohanan ng lipunan pero walang ginawa ang Astig para isulong ito. Nakuntento ito sa mga cliche at simplistikong karakterisasyon at plot contrivances for the spectacle of Dennis Trillo and a whole slew of Backstage (taleng agency ni Boy Abunda) talents shucking their glamorous lives for a week-long shoot and doing their version of urban poor. Eh kung hindi ba naman tongue in cheek ang buong proyektong ito, tatadtarin mo ba ng mga cameo nina Mariel, Ai-Ai, at ni Kuya Kim (in full Kuya Kim regalia) ang buong pelikula? Nakaka-insulto dahil ang mga tema at paksang supposedly ay tinatalakay ng pelikula ay walang kasing immediate at walang kasing halaga.

Nang natapos ang pelikula nagtilian ang mga fans nina Dennis Trillo, nagpista ang mga cameramen at press sa lobby ng CCP, umuwi ang mga tao baon ang idea na ang indie film = celebrities taking liberties in doing vulgar, shocking for schock's sake yet braindead cinema + an excuse for poor camera and technical work. Lamentable.

Somewhere, noong gabi rin yon, may baklang nadukutan sa loob ng Hollywood Theater sa Recto, may dalawang pulis na naghahantay sa nakaparadang owner-type jeep sa harap ng mga patayaang color game sa Quiapo na bahagya lang nakukubli sa kalsada ng toldang asul, at may babaeng binebentahan ng pampakapit kuno ng bata sa tiyan habang hinuhulaan gamit ang Tarot.

1 comment:

jalapunyeta said...

gosh... di ko pinanood ang movie pero parang napanood ko na. i guess it's a testament to how simplistic it is that you were able to capture its excuse of an essence in 1000 words. enjoy ko ang writing mo. i will subsribe! btw, nanalo sila ng best director and a slew of technical awards. what has happened to cinemalaya?! imagine, the best director's film (or collage of disjointed images of poverty porn) didn't even place 3rd (kasi nga it didn't bring home even the special jury prize.)